Ang 'BalikbayUnbox’ ay tambalan ng salitang “balikbayan” sa Filipino at “unbox” sa Ingles. Maihahalintulad sa pagbukas ng isang balikbayan box, layunin ng proyektong ito na buksan, tuklasin, suriin, at mas palalalimin ang ating kaalaman tungkol sa usapin ng Filipino Diaspora.

Magbalik-Tanaw

Isang bayan. Isang lahi. Milyun-milyong Pilipino sa daan-daang dayuhang bansa. Walang hanggang dami ng kuwento ng hirap, ginhawa, lungkot, saya, atbp. At sa gitna ng lahat ng ito ay ang totoong istorya ng dalawang natatanging indibidwal na tumatahak sa landas ng kani-kaniya nilang buhay. Kaakibat ang dalawang respetadong dalubhasa sa usapin ng Filipino Diaspora, inihahandog ng BalikbayUnbox ang kuwento nina ...

Magbalik-Isip

Itinatampok sa bahaging ito ang pananaw ng mga dalbuhasa mula sa iba’t ibang institusyon ukol sa usapin ng Filipino Diaspora.

Magbalik-Bayan

Ano man ang iyong interpretasyon sa "magbalik-bayan" – maging ito man ay para maging isang ‘bagong bayani’, para sa literal na pagbalik sa lupang pinagmulan, o para sa paghandog ng kontribusyon sa bayang sinilangan - ang pinakamahalaga pa ring tandaan ay ang naising magbalik-bayan para sa ikabubuti ng bansang pinanggalingan.

Palawigin ang Iyong Paningin

Panatang Makabayan